Karnaper na ‘most wanted’ nalambat sa raid
CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang tinaguriang “most wanted person” sa regional level dahil sa pagiging kilabot na karnaper sa isinagawang pagsalakay sa kanyang hideout sa Barangay Yakal, bayan ng Silang sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Salvador Arnedo II, 20-anyos at residente ng Blk. 43 Lot 4, Brgy. Yakal, Silang, Cavite.
Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Christopher Olazo, naaresto ang suspek sa ilalim ng Oplan Pagtugis at warrant operation ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation Group-Cavite PFU na nagsilbing lead unit, Cavite PFMC, 401st AMC RMFB4A, Highway Patrol Group-Cavite at Silang Police.
Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Minneli Rocio-Carvajal, assisting judge ng Regional Trial Court Branch 18, Tagaytay City, para sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 10853 (New Anti-carnapping Act of 2016), sinalakay ng raiding team ang lugar kung saan namataan ang suspek dakong alas-6:02 ng gabi.
Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga operatiba.
- Latest