Quezon province walang pasok ngayon dahil sa ‘Hermano Pule’ day
LUCENA CITY, Philippines — Bilang paggunita sa araw ng pagkamatay ng itinuturing na bayani ng lalawigan ng Quezon na si Apolinario dela Cruz o Hermano Pule, walang pasok ang anumang tanggapan at paaralan sa buong lalawigan ngayong araw, Nobyembre 4,2022.
Base sa mga itinakdang proklamasyon numero 73 ng pangulo ng bansa, itinalaga na non-working holiday sa probinsya ng Quezon at kaakibat nito ang programang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Hermano Pule sa Tayabas City at Lucban, Quezon.
Base sa kasaysayan si “Hermano Pule” bilang pinunò at tagapagtatag ng Cofradia de San José ay pinamununan ang isang pag-aaklas laban sa mga Español na nakabatay sa kalayaang panrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga Español at Indio sa kaparian.
Isinilang noong 22 Hulyo 1814 sa Barrio Pandac sa bayan ng Lucban, nina Pablo de la Cruz at Juana Andres, pawang mula sa pamilyang maykaya at debotong Katoliko.
Pinangarap niyang magpari, at sa edad na 15 ay sumubok sumali sa orden ng mga Dominiko sa Maynila.
Ngunit hindi pa noon tumatanggap ng mga Indio ang mga ordeng Romano Katoliko, kung kayâ naging donado na lamang muna siya sa ospital ng San Juan de Dios at nagtrabaho sa Cofradia de San Juan de Dios.
Nagsimulang mamuhay na parang rebelde ang mga kasapi ng Cofradia at sa isang malaking labanan sa Ali-tao, isang lugar na malapit sa Tayabas, ganap na nalansag ang hukbo ni Hermano Pule, nakatakas siya ngunit nasundan at nadakip.
Nilitis at binitay siya sa bayan ng Tayabas noong 4 Nobyembre 1841.
- Latest