^

Probinsiya

2 pulis inaresto ng kabaro sa kotong

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng extortion ang dalawang pulis na non-commissioned officer ng Philippine National Police (PNP) na nakadestino sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa kanilang pagkakasangkot sa pa­ngongotong.

Ayon kay  Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Director Brig. Gen. Warren del Leon, kasong robbery extortion at paglabag sa Anti-Graft at Corrupt Practices Act ang isinampa laban sa mga suspek na sina Staff Sgt. Mark Anthony Palma at Patrolman Gerald Tucas.

Sinabi  ni De Leon na sa pagpapatu­pad ng Oplan Bansay o Bantay sa Pagsasanay, na Training Internal Cleansing program ng PNP, nakakuha sila ng impormasyon hinggil sa  extortion activities ng mga PNCOs.

Base sa impormasyon at sumbong na natanggap ng IMEG Mindanao Field Unit, isang pangongotong umano na kinasasangkutan ng BISOC Trainees sa BAR’s Regional Special Training Unit (RSTU).

Humingi umano sina Palma at Tucas ng halagang P60,000 mula sa BISOC trainees kapalit ng maluwang na pagtrato sa mga magbabayad sa isasagawang training.

Matapos ang mga serye ng pagpapatunay at case build-up, ay sinampahan na ng kaso ang dalawang suspek sa City Prose­cutor’s Office ng Cotabato City para sa preliminary investigation.

vuukle comment

KOTONG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with