Mag-amang may utang pinagbabaril ng Bumbay

Namatay ang ama na si Mario R. Napili, 66, habang sugatan at kasalukuyang ginagamot ang anak nitong si Marlon V. Napili, 35, kapwa construction wor­ker at residente ng 22A Strawberry Hills ng nasabing barangay.
STAR/File

GEN. MARIANO ALVAREZ, Cavite, Philippines — Isang mag-ama na may utang na 5-6 ang pinagbabaril ng Indian national na kanilang pinagkakauta­ngan, naganap kama­kawala ng gabi sa Brgy. F. Reyes ng bayang ito.

Namatay ang ama na si Mario R. Napili, 66, habang sugatan at kasalukuyang ginagamot ang anak nitong si Marlon V. Napili, 35, kapwa construction wor­ker at residente ng 22A Strawberry Hills ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-7:00 ng gabi sa nasabing lugar ay kinakausap ng suspek na naki­lala lamang sa alias Fajad na isang Indian si Marlon hinggil­ sa umano’y utang nito na  P1,700.00 na matagal ng hindi nababayaran.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang singilan­ ng utang at dito umawat ang ama ni Marlon ka­ya’t bumunot ng baril ang suspek at pinagba­baril ang mag-ama.

Kapwa duguang bu­mulagta ang mag-ama habang mabilis na tuma­kas ang suspek sakay ng motor nito patungo ng San Pedro, Laguna.

Naitakbo sa Carsigma Hospital ang mag-ama subalit idineklarang dead on arrival ang ma­tandang biktima.

Show comments