Obrero dedo sa pagbaliktad ng sasakyan
DARAGA, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng construction foreman matapos bumaliktad ang minamanehong sasakyan sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok-6, Brgy. Busay ng bayang ito kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang nasawi na si Reynaldo Grande Ballaran, 41, residente ng Brgy. San Agustin, San Manuel, Tarlac.
Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw mula sa bayan ng Camalig lulan ng kanyang Suzuki Multicab ay mabilis na binabagtas nito ang highway pauwi sa kanilang barracks sa Brgy. Cullat, Daraga, Albay.
Gayunman, pagdating sa lugar ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumaliktad ang sasakyan dahilan para malubhang masugatan ang biktima na agaran niyang ikinasawi.
- Latest