Sundalo lasog sa motor crash

Dead-on-the spot dahil sa matinding tinamong mga sugat sa ulo at katawan ang biktimang si Staff/Sgt.Mark Jay Silverio Lualhati,39-anyos,may asawa,residente ng Brgy. Magsaysay, Tagkawayan, Quezon at nakatalaga sa 5th Army Artillery ng Philippine Army sa Sorsogon.
STAR/File

JUBAN, Sorsogon, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang sundalo ng Philippine Army matapos sumemplang at bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng national highway ng Brgy.Tughan sa bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Dead-on-the spot dahil sa matinding tinamong mga sugat sa ulo at katawan ang biktimang si Staff/Sgt.Mark Jay Silverio Lualhati,39-anyos,may asawa,residente ng Brgy. Magsaysay, Tagkawayan, Quezon at nakatalaga sa 5th Army Artillery ng Philippine Army sa Sorsogon.

Sa ulat, dakong alas-4:10 ng umaga mabilis na binabagtas ng Motorstar ­motorcycle (299-DKP) na minamaneho ng biktima ang kahabaan ng highway mula sa Brgy. Rangas, Juban patungong bayan ng Casiguran.

Gayunman, pagdating sa pakurbang kalsada ay nawalan ng kontrol ang motorsiklo sanhi upang sumemplang saka malakas na bumangga sa steel barrier sa tabi ng kalsada.

Dahil dito, tumilapon ang sundalo at bumagsak sa sementadong kalsada.

Mabilis na sinaklolohan ang sundalo ng rumespondeng ambulansya ng Juban-MDRRMO pero dahil sa tinamo nitong ma­titinding sugat ay agad siyang nasawi sa nasabing lugar.

Show comments