^

Probinsiya

Lady operator, 3 parokyano tiklo sa drug raid

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Lady operator, 3 parokyano tiklo sa drug raid
Kinilala ang mga suspek na sina Marivic Rodriguez, 56; Cherryl Asim, 37, mula sa  Brgy. Panta San Vicente;  Carlito Javier, 43 na umano’y lover ng una; at Joel Sales, 36.
STAR/ File

BAGUIO CITY, Philippines —  Si­nalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Baguio City police ang isang drug den at dito ay naaresto ang isang babae na umano’y operator at tatlo niyang parokyano nitong Miyerkules.

Kinilala ang mga suspek na sina Marivic Rodriguez, 56; Cherryl Asim, 37, mula sa  Brgy. Panta San Vicente;  Carlito Javier, 43 na umano’y lover ng una; at Joel Sales, 36.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 18 gramo ng  shabu na nakalagay sa  plastic sachets at iba pang drug paraphernalias.

Ayon kay NBI-CAR Supervising Agent Lorenzo Lab-as, na sila ay nakatanggap ng intelligence report na patuloy pa rin si Rodriguez sa pagbebenta ng droga sa kanilang lugar kaya’t isinagawa ang surveillance.

Nang magpositibo ay nagdala ang mga otoridad ng search warrants sa bahay ni Rodriguez  sa San Carlos Heights Extn., Brgy. Irisan at naaresto ang mga suspek.

Nagbabala naman si PDEA-Cordillera regional director Gil Castro sa mga drug drug den operators sa lungsod na umalis na ng Baguio dahil sila ay determinado na masakote.                                                             

LADY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with