^

Probinsiya

Factory ng luxury bags natupok sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MARIVELES, Bataan, Philippines — Nilamon ng naglala­gablab na apoy ang isang pagawaan ng mga luxury bags na nasa loob ng Freeport Area of Bataan (FAB) kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Ayon sa ulat, pasado alas-8 ng gabi nang magsimula umano ang sunog sa DLX Factory na gumagawa ng mga luxury bags, sa ikatlong palapag ng gusali kung saan naroon ang production area nito.

Maagap namang rumesponde ang FAB Fire Department at mga kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) mula sa iba’t ibang bayan sa natu­rang lugar.

Inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng pinsala sa naganap na sunog maging ang sanhi nito.

Tumagal ng dalawang oras ang sunog bago maideklarang fire out  ng mga pamatay sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

vuukle comment

FAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with