^

Probinsiya

Sundalo, 5 terorista todas sa Zamboanga encounter

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang sundalo at limang miyembro ng teroristang grupo matapos silang magkasagupa sa  Lanao del Sur noong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Romulus Rabara, commander ng 5th Infantry Battalion-PA, nasawi si Corporal Rutevic Jaralve ng Zamboanga del Norte habang sugatan ang ilan sa mga kasamahan nito.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng limang nasawi na miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute Group (DI-MG) na pinangunahan ng isang Abdullah.

Batay sa report, dakong alas-8 ng umaga nitong Miyerkules nang magsimula ang matinding bakbakan sa bulubundu­king bahagi ng Barangay Ragayan, Butig, Lanao del Sur.

Sinabi ni Rabara na nakatanggap sila ng report mula sa mga residente hinggil sa presensya ng mga armadong grupo na naniniktik at nag-iimbak ng mga construction materials at pagkain sa naturang lugar.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang tropa ng pamahalaan at nagpakawala ng Field Artillery Battalion, dalawang AW-109 attack helicopters ang Philippine Air Force-Tactical Operations Group.

Tumagal ng apat na oras ang sagupaan na ikinamatay ng limang terorista at isang sundalo.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng engkuwentro mula sa kuta ng mga terorista ang apat na matataas na kalibre ng armas, rocket-propelled grenade, iba-ibang ammunition, improvised landmine, at mga mater­yales na gamit sa panggiyera.

ENCOUNTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with