CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay ang isang babaeng negosyante at modelo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tanden sa Taytay, Rizal, noong Huwebes.
Ayon kay Lt. Col. Francisco Tanisan, hepe ng Taytay Police, habang minamaneho ng biktimang si Lanie Ayo, 29, isang buy and sell trader at isa ring model, ang kanyang itim na Honda City (UPI-255) pauwi na sa kanyang tahanan nang buntutan siya ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.
Pagsapit sa Melendres creek sa Barangay Dolores, dakong alas-11:12 a.m. nang paulanan ng bala ng mga suspek ang biktima sa front seat.
Ayon kay Tanisan, bagama’t sugatan ang biktima ay mabilis siyang tumakas at binilisan ng 20 meters mula sa site.
Gayunman, doble ang inabot na kamalasan ng biktima nang sumalpok ang sasakyan nito sa gutter.
Inalis naman ng pulisya ang anggulong robbery homicide sa insidente at sinabing walang nakawan na nangyari dahil ang mga personal na bagay at cash money ng biktima ay naka-intact.
“The victim is a single mom with 2-year-old daughter, And according to victim’s mother her daughter Ayo has previous relationship with married Chinese man. The Chinese wanted his daughter to bring to him by the victim, she always refused, prompted, an heated argument ensued between them,” ani Tanisan sa The STAR.