^

Probinsiya

10 loose firearms isinuko sa Tawi-Tawi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Umaabot sa 10 loose firearms o mga baril na walang lisensya ang isinuko ng mga residente sa tropa ng pamahalaan sa Sitangkai, Tawi-Tawi nitong Biyernes.

Ayon kay Major Andrew Linao, spokesperson ng AFP-Western Mindanao Command, kabilang sa mga isinuko ay apat na matataas na kalibre ng armas at anim na mahihinang uri ng mga baril sa turnover ceremony sa Brgy. Pob­lacion, Panglima Alari at Datu Baguinda Puti ng nasabing lalawigan.

Ang pagsuko ng mga armas ay sa tulong ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 12, Sitangkai Municipal Police Station (MPS) at Maritime Police kaugnay ng pinalakas na kampanya laban sa loose firearms o mga baril na walang lisensya sa bayan ng Sitangkai.

Sinabi ni Linao na kabilang sa mga nagsuko ng mga armas ay sina Amil Abbas, 39; Morgan Jawlah Lukoh, 74 at Polding Polal, 28 ; pawang residente ng Brgy. Pa­ng­ lima Alari; Hajji Ismael Mauh, 73; Ismael Ibrahim, 47 ng Brgy. Datu Baguinda Putih. Isinurender ng mga ito ang isang grenade launcher na may tatlong rounds ng bala; isang M16 Baby Armalite rielf na may magazine, pitong maiikling magazines, 48 rounds ng 5.56 MM na bala, isang garand rifle na may 36 bala at 7.62 MM na mga bala, isang carbine rifle na may isang magazine, 28 bala at anim na cal. 45 pistol.

MBLT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with