Mister dumalo sa lamay, kinatay

TINAMBAC, Camarines Sur, Philippines — Dead-on-the spot ang isang 36-anyos na mister na dumalo sa lamay ng kapitbahay ang pinaglalamayan na rin ngayon matapos na pagtatagain ng kanyang kainuman sa Zone-2, Brgy. Tamban ng bayang ito kamakakawa ng hapon.

Dead-on-the-spot bunsod ng tinamong malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ang biktima na kinilalang si Ferdinand Nidea Villacrusis habang tinutugis na ang tumakas na suspek na si Christopher Barquilla Esuela, 46-anyos, binata.

Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon, nakitang nag-iinuman ang da­lawa sa bahay ng ka-barangay na may patay na pinaglalamayan. Gayunman, nang malasing ay nagtalo ang dalawa sa hindi malamang dahilan.

Makaraan ang pagtatalo, umuwi na ang biktima pero inabangan ng suspek sa kalsada na armado na ng itak at hinabol ng taga.

Nang makorner, walang awang pinagtataga ang biktima na duguang humandusay sa kalsada.

Show comments