Reporter itinumba habang nanonood ng telebisyon

EditorJess Malabana
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang reporter ang malapitang barilin sa ulo habang nanonood ng telebisyon sa  loob ng kanyang tindahan, kamakalawa ng gabi sa  Calbayog City.

Ang nasawi ay ki­ni­lalang si Jesus “Jess” Malabanan, 58, corres­pondent ng Manila Standard, Bandera, at Reuters; at residente ng Langka­ St., Angeles City, Pampanga.

Base sa inisyal na imbestigasyon, alas-6:30 ng gabi ay nanonood ng telebisyon ang biktima nang marinig ng kanyang asawa ang malapitang pu­tok ng baril sa tindahan.

Agad tinungo ng misis at nakita ang dalawang suspek na mabilis na tumakas kaya’t hindi niya nagawang mamukhaan o ma­kilala ang mga ito.

Habang nakitang na­kabulagta ang kanyang mister na may tama ng bala sa ulo ay agad dinala sa ospital­, subalit idineklarang dead on arrival.

Tiniyak naman ni PRO 8 Regional Director P/BGen. Rommel Cabagnot na tututukan nila ang kaso ni Malabanan.

Kinondena naman ni Usec. Joel Sy Egco, ng Presidential Task Force on Media Secu­rity ang pagpatay kasabay ng pahayag na personal niyang tututukan ang kaso.

Show comments