Trak nahulog sa bangin: 15 pasahero nasugatan

Sinabi ni PCol. Davy Vicente Limmong, Provincial Di­rector ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO), magkakamag-anak ang mga biktima na kinabibila­ngan ng pitong menor de edad na pawang residente ng Brgy. San Pascual, Rizal, Kali­nga.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasugatan ang 15 pasahero matapos mahulog ang kanilang sinasakyang trak sa halos­ sampung metrong lalim na bangin sa Brgy. Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Sinabi ni PCol. Davy Vicente Limmong, Provincial Di­rector ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO), magkakamag-anak ang mga biktima na kinabibila­ngan ng pitong menor de edad na pawang residente ng Brgy. San Pascual, Rizal, Kali­nga.

Sa ulat, pababa na ang truck na minamaneho ni Noriel Aragon, 34 sa pakur­badang bahagi ng kalsada sa Brgy. Nambaran nang dumiretso ito sa bangin at nasugatan ang 15 sakay nito na dinala sa pagamutan.

Show comments