Trak vs Motor, dalawa patay

PULILAN, Bulacan, Philippines — Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang kapwa namatay matapos mabundol ng isang trak ang kanilang sinasakyang motorsiklo kamakalawa ng madaling araw sa Brgy. Lumbak ng nasabing bayan.

Dead on the spot ang dalawang lalaki na pawang 19-anyos at naninirahan sa Brgy. Dampol 2nd ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ala-1:28 ng madaling araw nang mag-overtake umano ang motorsiklo sakay ang dalawang biktima nang hindi nila napansin na may kasalubong silang trak.

Hindi na nagawang makaiwas ng dalawang biktima kaya nasalpok sila at tumilapon kasama ang kanilang motorsiklo ng may ilang metro.

Sa lakas ng impact, nabasag ang bungo ng dalawang biktima at nagkabali-bali ang katawan habang parang nilamukot na papel naman ang motor na sinasakyan nila.

Tumakas ang drayber ng trak matapos ang insidente at kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis.

Show comments