^

Probinsiya

Angkas sa motor utas, 2 sugatan sa bangga ng bus

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Angkas sa motor utas, 2 sugatan sa bangga ng bus
Hindi na umabot nang buhay ang bikti­mang si Jofer Leaño Madera, residente ng naturang barangay. Habang ginagamot naman sa Camarines Norte Provincial Hospital ang driver ng motorsiklo na si Mark John Flores, re­sidente ng Brgy. Tugos at isa pang angkas na si Gabriel Cayetano Ve­nida.
STAR/ File

PARACALE, Camarines Norte, Philippines — Nagkalasug-lasog ang ka­tawan ng isang 17-anyos na angkas ng motorsiklo habang dalawa ang sugatan matapos banggain sila umano ng kasalubong na bus sa kahabaan ng national highway sa Purok-1, Brgy. Tawig ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay ang bikti­mang si Jofer Leaño Madera, residente ng naturang barangay. Habang ginagamot naman sa Camarines Norte Provincial Hospital ang driver ng motorsiklo na si Mark John Flores, re­sidente ng Brgy. Tugos at isa pang angkas na si Gabriel Cayetano Ve­nida.

Sa ulat, alas-2:05 ng hapon mabilis umanong binabaybay ang highway ng Mega Bus Lines (ZLK-101) na minamameho ni Ramon Data Enova, 53-anyos, residente ng Brgy. Poblacion Sur, Paracale.

Gayunman, pagda­ting sa lugar ay big­lang nag-U-turn ang kasalubong na Yamaha motorcycle na walang plate number na minamaneho ni Flores na walang lisensiya, angkas ang biktima at si Venida dahilan para sila masalpok ng bus.

MADERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with