Agila nailigtas ng mga pulis-Isabela

CAUYAN CITY, Isabela, Philippines — Isang agila na kung tawagin ay Serpent Eagles ang na­iligtas ng Isabela Police Provincial Office sa Alicaocao overflow bridge, ng lungsod na ito ng lalawigan.

Ayon kay PCol. James Melad Cipriano, Provincial Director ng IPPO, isang concerned citizen ang nagbigay impormasyon sa nakitang Serpent Eagle na kanilang narekober sa naturang tulay.

Nanghihina umano ang ibon nang kanilang masagip na inalagaan ng mga kasapi ng PNP Cauayan City ng tatlong buwan at nang malakas na ang agila ay saka ipinasakamay sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) na inilagay naman sa Ilagan­ Sanctuary para ma­alagaan ng husto.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkaka­taon na nakaligtas ng agila ang kapulisan ng Isabela.

Show comments