^

Probinsiya

14-anyos ginahasa ng katoma

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 14-anyos na dalaginding matapos halayin ng 19-anyos na lalaking kainuman sa San Jose Del Monte City kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang hindi pa nahuhuling suspek na si Christian Dela Cruz, habang ang biktima ay itinago sa pangalang Riza kapwa residente ng Brgy.Muzon.

Sa report, nangyari ang insidente dakong ala- 1:00 ng madaling araw sa isang subdivision sa Brgy. Muzon ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, inimbitahan ang biktima nang bago niyang tropa na si Christine sa isang inuman na pinaunlakan naman nito.

Sa kasagsagan ng inuman ay dumating ang suspek at iniwan siya ng kaibigang si Christine dahil sumama sa ibang lalaki.

Dahil dito, puwersahang hinalay ng suspek ang nagsosolong bubot na katawan ng biktima hanggang sa mailugso ang puri nito.

Nang makatiyempo ay isinalaysay ng biktima sa kanyang ina ang panghahalay sa kanya kaya agad nagsumbong sa pulisya subalit nakapuslit na ang suspek.

Nahaharap sa kasong rape in relation to Violation of RA 7610 ang hindi pa naarestong suspek.

vuukle comment

MUZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with