Buntis patay sa tuklaw ng ahas, sanggol sa sinapupunan nasagip

Isinugod ang ginang­ sa Diffun District Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival da­hil sa matinding ka­mandag ng ahas. Agad isinailalim sa post-mortem caesarean­ ang ginang matapos­ ang pagsusuri ni Dr. Moises Lazaro, ang chief ng na­sabing pagamutan at matagumpay na na­salba ang sanggol na noon ay nag-aagaw buhay sa sinapupunan ng ina.
Image by Rainer Maiores from Pixabay

CABARROGUIS, Quirino, Philippines — Patay ang isang buntis matapos na matuklaw ng ahas habang himalang na­buhay ang sanggol sa kanyang sinapupunan sa bayan ng Diffun, lalawigang ito nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang nasa­wing ginang na si Jo­velinda Lapurga, 36, ng Brgy. Gulac sa nasabing bayan.

Sa ulat, nagtungo sa ilog si Lapurga ka­sama ang dalawang anak nang matuklaw siya ng cobra sa balikat kung kaya’t nagpasaklolo ang mga bata para maisugod sa pagamutan ang kanilang ina.

Isinugod ang ginang­ sa Diffun District Hospital subalit idineklarang  dead-on-arrival da­hil sa matinding ka­mandag ng ahas. Agad isinailalim sa post-mortem caesarean­ ang ginang matapos­ ang pagsusuri ni Dr. Moises Lazaro, ang chief ng na­sabing pagamutan at matagumpay na na­salba ang sanggol na noon ay nag-aagaw buhay sa sinapupunan ng ina.

“Matapos ang isi­na­gawang pag-revive sa sanggol ng mahigit sa 10 minuto ay nagkaroon siya ng hini­nga, lahat kami ay na­taranta subalit kami ay natuwa nang ito ay umiyak na,” pahayag ni Lazaro.

Agad na binigyan ng newborn cure ang sanggol bago inilipat sa Neonatal Intensive Care Unit ng Quirino Province Medical Center kung saan siya patuloy na inoobserbahan. 

Show comments