2 motor nagsalpukan: 1 utas, 1 kritikal
NAIC, Cavite, Philippines — Namatay noon din ang isang rider habang kritikal ang isang rider matapos na magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo kahapon ng umaga sa kahabaan ng Antero Soriano Highway, Brgy. San Roque ng bayang ito.
Hindi pa nakilala ang nasawing rider na nakasuot ng black t-shirt, black short at nagmamaneho ng motor na Keeway Mitsukoshi na may plate #0401-1329165.
Habang kritikal ang kasalpukan nito na kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan na nakilalang si Jeffrey Ciro, 26, residente ng Poblacion II, Ternate, Cavite.
Sa imbestigasyon, bago naganap ang aksidente, alas-6:00 ay binabagtas ng nasawing biktima ang nasabing highway patungo ng Maragondon habang kasalubong nito ang suspek na si Ciro na nagmamaneho rin ng motor for registration plate.
Kapwa may kabilisan ang patakbo ng dalawa at dahil na rin sa patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan hindi nagkaiwasan ang mga ito at tuluyang nagsalpukan.
Kapwa tumilapon ang dalawa at kahit na parehong naka-helmet, hindi pa rin nakaligtas ang biktima na sa ulo pa din napuruhan.
- Latest