^

Probinsiya

Taxi nabagsakan ng puno: Call center agent dedo, 2 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang call center agent ang nasawi habang dalawa ang nasugatan makaraang aksidenteng mabagsakan ang sinasakyan nilang taxi ng isang nabuwal na mala­king puno sa gitna ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa Baguio City nitong Biyernes ng hapon.

Idineklarang dead-on-arrival sa Baguio General Hospital and Medical Center matapos mapuruhan ang biktimang si Esmerelda Suriaga, 39, dalaga sanhi ng matinding sugat na tinamo sa katawan habang nilalapatan ng lunas ang mga sugatang sina Samuel Suriaga, 29, binata Wilfredo Suriaga, 63.

Nagtamo lamang ng galos ang driver ng taxi na si Mizon Galano, 33-anyos.

Sa ulat ng Baguio City Police, habang lulan sina Suriaga ng Mitsubishi Adventure taxi na may trade name na AR-ANNE (AYU-713 ) at bumabagtas sa kahabaan ng Camp 8,Kennon Road alas-3:15 ng hapon at patungo sa kabisera ng lungsod nang biglang nabuwal ang isang malaking puno at eksaktong bu­magsak sa  kanilang behikulo.

Agad isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero nabigo nang maisalba ang buhay ng nasabing babae.

vuukle comment

BAGUIO GENERAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with