GENERAL LUNA, Quezon, Philippines — Basag ang ulo at namatay noon din ang isang helper makaraang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa concrete barrier sa Barangay San Jose ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni P/Lt. Gerardo Flores, chief of police ng General Luna ang biktima na si Richard Santander, 30, binata at residente ng Macalelon, Quezon.
Ayon sa ulat, bandang alas-7:15 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang isang kulay maroon na Suzuki motorcycle at tinatahak ang highway ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at tuluy-tuloy na bumangga sa concrete barrier.
Nadala pa ang biktima sa ospital subalit dahil sa inabot na grabeng pinsala ay idineklara ng manggagamot na dead-on-arrival.