^

Probinsiya

Magkasintahang ‘tulak’ huli sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Natiklo ng Station Drug Enforcement Unit ng siyudad na ito ang magkasintahang tulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Atlag ng nasabing siyudad kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director ang magkasintahang suspek na sina Jayson Aleman, residente ng Biñan, Laguna at Eden Santo Domingo ng Quezon City.

Isang impormasyon ang natanggap ng mga otoridad hinggil sa ilegal na transaksyon ng shabu ng  magkasintahan na dumayo pa para magbenta ng droga sa nasabing barangay.

Bunsod nito, dakong alas-10:15 ng gabi ay mabilis na ikinasa ng pulisya ang buy-bust operation laban sa magnobyo. Nasa aktong iniaabot ng mga suspek ang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer nang dakmain ng mga otoridad.

Narekober sa magkasintahan ang nasa 30 gramo ng shabu na nakasilid sa pitong maliliit na heat transparent plastic sachet, marked money at isang cellular phone.

vuukle comment

CAJIPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with