2 miyembro ng Dawlah Islamiya dedo sa shootout
POLOMOLOK, South Cotabato, Philippines — Dalawang miyembro ng local terrorist group na Dawlah Islamiya ang nasawi matapos na manlaban umano sa ikinasang operasyon ng otoridad sa Sitio Bio, Barangay Lapu, iniulat kahapon.
Kinilala ang nasawi na si Journham Utap, finance officer ng Dawlah Islamiya SOCCKSARGEN KATIBA terrorist group at ang kasamang si Mohaimeen Utap.
Ayon kay South Cotabato PNP Provincial Director, Police Colonel Jemuel Siason, alas-2:30 ng hapon kamakalawa ay nagtungo ang mga otoridad para isilibi ang warrant of arrest sa mga suspek.
Subalit, papalapit pa lamang ang mga otoridad para isilbi ang warrant of arrest ay pinutukan na sila ng mga suspek na nauwi sa shootout na kung saan ay napatay ang mga ito.
Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng shootout ang 45 pistol, 38 revolver at limang sachets ng pinaghihinalaang shabu.
Ang mga napatay na suspect ay wanted sa mga kasong murder, illegal drugs, at illegal possession of firearms and explosives.
- Latest