TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Napatay ng hindi pa natukoy na berdugo ang mag-live in partner na fish vendor na binoga sa harapan ng kanilang bahay sa Barangay Rimos, Luna, La Union noong Lunes.
Kinilala ng Luna Police ang mga biktima na sina Isidro Tierra, 49 anyos at ang kinakasama niyang si Delia Navarro, 46, na kapwa nagtamo ng mga tama ng punglo sa katawan.
Ayon sa report, nagbababa ng kanilang mga panindang isda ang mag live-in nang ratratin sila ng naka-motorsiklong killer dakong ala-6:30 ng umaga.
Patay agad si Navarro matapos ang pamamaril habang si Tierra ay hindi na nakaabot ng buhay sa hospital.
Utang, kompetensya sa negosyo at personal na alitan ang mga anggulong sinusundan ng awtoridad sa likod ng nangyaring pamamaslang sa mag-live in partner.