288 katao arestado sa anti-crime ops
BATAAN , Philippines — Umaabot sa 288 katao ang inaresto sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) mula noong ika-6 hanggang ika-30 ng Enero ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Provincial Director Bataan PNP Police Col. Joel Tampis kabilang sa mga nahuli ay 72 drug suspects sa bayan ng Abucay, Balanga, Dinalupihan, Hermosa, Limay, Mariveles, Morong, Orani, Orion, Pilar at Samal na kung saan ay nasamsam ang nasa 147 sachets ng shabu na tinatayang nasa 70 gramo at 11 gramo ng marijuana.
Samantala,137 naman ang inaresto sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operations na kung saan ay umabot sa P60,375 ang nakumpiskang pera.
Habang 79 ang naarestong mga most wanted persons at pagkakarekober ng limang loose firearms sa bayan ng Abucay, Mariveles, Limay at Orani.
Kasalukuyang nakadetine sa custodial facility ang mga inaresto habang inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa kanila.
- Latest