NORZAGARAY, Bulacan, Philippines — Tinatayang aabot sa P100 milyong halaga ng mga kagamitan ang natupok makaraang sumiklab ang apoy sa planta ng PED Chemicals ng Sitio Diliman Brgy, Partida ng bayang ito kamakalawa ng madaling araw.
Sa report ng Provincial Fire Marshal, nagsimula ang pagsiklab ng nagngangalit na apoy sa planta na pag-aari ng isang Pedro Dorecio, dakong alas-3:50 ng madaling araw na idiniklarang fire out alas-9:59 ng umaga.
Ayon naman sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office(PDRRMO), sa tindi ng apoy, umabot sa ikalawang alarma ang naturang sunog na iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi nito.
Kabilang sa mga nasunog ang ilang mga sasakyan, tangker at mga makina, wala namang napaulat na namatay o nasaktan sa naturang sunog.