13-anyos estudyante tepok sa kidlat
MANILA, Philippines — Patay ang isang 13-anyos na high school student makaraang masapol ng kidlat sa Brgy. Boalan, Zamboanga City nitong Huwebes ng tanghali.
Kinilala ang biktima na si Andrey John Macsog Araneta, Grade VII, estudyante ng Maria Clara Lobregat National High School at idineklarang dead-on-arrival sa Mindanap Cantal Sanitarium Hospital dahil sa grabeng pagkasunog sa kanyang kaliwang balikat.
Sa report, sinabi ni P/Capt Edwin Duco, Spokesman ng Police Regional Office (PRO)9, nangyari ang insidente sa Zone 3, Sitio Tala, Brgy. Boalan, Zamboanga City dakong alas-12:30 ng hapon. Sa gitna ng malakas na ulan, sumilong ang biktima sa ilalim ng puno ng sampalok kasama ang kaibigang si Carlo pero ilang minuto pa ay biglang kumidlat nang malakas.
Ang kidlat ay sumapol sa katawan ng biktima kung saan ang insidente ay nasaksihan ni Maricor Eugenio na ‘di kalayuan ang kinatatayuan sa kinaroroonan ng magkaibigan.
- Latest