Nagtitinda ng karne, kinatay
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Brutal ang naging kamatayan ng isang naglalako ng karne na matapos ataduhin ng saksak at basagin ang mukha ay itinapon sa isang bakanteng lote sa Barangay Harana, Luna, Isabela kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christian Quitola, residente ng Brgy. Saranay, Cabatuan na ang bangkay ay natagpuan alas 5:00 ng umaga.
Ang biktima ay nagtamo ng maraming saksak sa katawan at binasag sa pamamagitan ng matigas na bagay ang mukha.
Panghoholdap ang motibo ng krimen dahil nawawala ang bag na kinalalagyan ng pera ng biktima habang ang traysikel ay tinangay ng mga hindi pa kilalang suspek.
- Latest