Habang nagtatampisaw sa dagat
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang tatlong magkakaanak na binatilyo habang isa pa ang kritikal matapos silang masapol ng kidlat habang masayang nagtatampisaw sa dagat sa Barangay Lingsat, San Fernando City, La Union noong Sabado ng gabi.
Kinilala ni Lt. Colonel Orly Pagaduan, hepe ng San Fernando City Police Station ang mga nasawi na sina Tristan Apayyo, 15-anyos, kapatid na si Ivan Eunicer, 18 at pinsang si Rhian De Guzman, 17-anyos.
Inoobserbahan naman sa ospital ang isa pang pinsan ng mga namatay na si Patrick De Guzman, 21-anyos matapos tamaan din ng kidlat.
Sa report, nakababad sa dagat ang apat na biktima sa gitna ng pag-uulan nang biglang tumama ang malakas na kidlat dakong alas-6:40 ng gabi at masapol ang apat.