^

Probinsiya

Bebot tinorture, binigti ng alambre bago isinilid sa garbage bag

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bebot tinorture, binigti ng alambre bago isinilid sa garbage bag
Ang biktima ay tinatayang nasa edad na 30-35 anyos , may taas na 5’2”-5’3”, mahaba ang buhok at nakasuot ng stripe polo shirt na kulay asul at bulaklakin ang disenyo na may kulay pula.
STAR/ File

CAVITE , Philippines - Isang hindi pa nakikilalang babae ang pinaniniwalaang dumanas ng matinding torture bago binigti ng alambre saka isinilid sa isang garbage bag at itinapon sa service road sa Brgy. Mabuhay, Carmona, lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.  

Ang biktima ay tinatayang nasa edad na 30-35 anyos , may taas na 5’2”-5’3”, mahaba ang buhok at nakasuot ng stripe polo shirt na kulay asul at bulaklakin ang disenyo na may kulay pula.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:10 ng hapon nang madiskub­re ng ilang concerned citizen ang isang ma­laking garbage bag na kulay itim sa may service road ng Salazar Compound. Inakala lamang nilang mga basura ang laman nito subalit nagduda sila na may kakaibang laman ang plastic.

Dahil dito, agad nilang itinawag sa Carmona Police at nang siyasatin ang garbage bag ng pulisya ay rito na tumambad ang katawan ng isang babae na may nakapulupot pang alambre sa leeg nito. May mga palatandaan din na pinahirapan muna ang biktima bago tuluyang pinatay dahil na rin sa rami ng nakitang mga sugat sa katawan at ulo nito.

Kasalukuyan nang sinusuri ng SOCO Regional Crime Lab ang bangkay ng biktima at inaalam ng Carmona Police ang pagkaka­kilanlan nito.

BEBOT

CARMONA POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with