KIDAPAWAN CITY, Philippines — Muling bubuksan para sa mga trekkers o hikers ang Mount Apo sa dara-ting na Semana Santa.
Kinumpirma sa PSN ni Joey Recimilla, city tourism and investment promotion officer ng Kidapawan na maaari nang akyatin ang Mt. Apo mula Marso hanggang Abril, pero nilinaw nito na kontrolado ang bilang ng mga mountain hikers na papayagang makiisa sa taunang “Holy Week Climb”.
Nasa 50 na trekkers (mga dayuhang turista man o local climbers) lang aniya ang papayagan kada araw at kaila-ngan ding nakarehistro sila sa mga accredited travel and tour agency.
Sasailalim din umano muna ang mga trekkers sa orientation kung saan ipapaalala sa kanila ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nasa bundok Apo na. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagkakalat ng mga basura at ang paliligo sa Lake Venado. Kailangan ding dala ng climber ang mga basura niya pababa bago siya payagang makalabas ng mga exit points sa lahat ng mga trails ng Kidapawan City.
Sinabi ni Recimilla na nakapagtala ng zero visitor ang Mount Apo nitong 2019. Nabatid na dalawang beses na naudlot ang pagpapaakyat sa Mount Apo dahil sa naganap na sunog at ang mga serye ng paglindol ng nakaraang taon.