^

Probinsiya

Trader pinasok, inutas ng ‘Akyat-Bahay’

Christina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Pinag-ba­baril hanggang sa ma­patay ang isang negos­yante matapos na pasukin sa kanyang bahay at pagnakawan ng tatlong armadong lalaki na hinihinalang mga mi-yembro ng ki­labot na “Akyat-Bahay Gang” sa isang subdibisyon sa Brgy. Calibuyo, Tanza, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilalala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jorge Padilla, nasa hustong gulang at residente ng Block 13, Lot 12, South Crest Subdivision ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:00 ng gabi, kasalukuyang nasa kanyang garahe ang biktima nang biglang dumating ang tatlong armadong suspek at pinagbabaril ang biktima. Nang bumulagta ang negosyante, mabilis na nagsipasok ang mga suspek sa loob ng bahay nito at nilimas ang mga alahas, tatlong cellphones at cash mo-ney na hindi pa mabatid ang halaga.

Matapos na ma­kuha ang pakay, mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Naitakbo pa sa pa­gamutan ang biktima subalit idineklara siyang dead-on-arrival.

Isang dragnet ope-ration ang ikinasa laban sa mga suspek at nangangalap na rin ang pulisya ng mga CCTV footages sa pinangyarihan ng insidente at sa dinaanan nila sa subdibisyon na makakatulong sa paglutas sa krimen.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with