MALOLOS CITY, Bulacan - Pormal nang umupo sa Katedral-Basilika ng Immaculada Concepcion de Malolos si Bishop Dennis Villarojo bilang ikalimang obispo ng Diyosesis ng Malolos.
Ito’y matapos hirangin siya ni Pope Francis noong Mayo 14, 2019 at pormal nang itinalaga nitong Miyerkules (Agosto 21, 2019) sa kapistahan ni San Pius X na patron ng bagong obispo.
Ang seremonya ng pagtatalaga kay Bishop Villarojo ay pinangunahan nina State of Vatican Ambassador to the Philippines-Apostolic Nuncio Gabriele Giordano Caccia at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Sa mensahe ng pasasalamat, sinabi ni Bishop Villarojo na nang makita niya ang bagong coat-of-arms ng Diocese na kanyang pamumunuan at ang logo ng lalawigan ng Bulacan, napansin niya ang tatlong mga bulaklak na sumisimbolo sa “Bulak”.
Dahil dito, nangako ang bagong obispo na magi-ging simbolo ang mga Bulak na ito upang “pahirin ang luha ng mga naghihirap at pahirin ang dugo ng mga nasasaktan”.
Sinaksihan ang makasaysayang araw ng pagtatalaga ng mga mana-nampalatayang Bulakenyo ng mga opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Iniabot naman ni Bulacan Gov. Daniel Fernando kay Bishop Villarojo ang ceremonial key ng lalawigan bilang pagsalubong sa magiging “bagong ta-hanan” nito bilang ikalimang obispo.