Hardinero tepok sa taga ng kainuman

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang hardinero matapos ataduhin ng taga ng kanyang kainuman na isang magsasaka sa Brgy. Mungia, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng Duapax del Norte-PNP ang nasawing biktima na si Cipriano Lampanes, 58, isang hardinero at residente ng Sitio Binnaw, Brgy. Mabuslo, Bambang Nueva Vizcaya, habang ang nadakip na suspek ay nakila-lang si Fernando Valdez Jr., 56, residente ng Sitio Apayan, Mungia, Dupax del Norte.

Napag-alaman na ang suspek at biktima ay nag-iinuman sa loob ng kubo ni Valdez kasama ang isa pang hardine­ro na nakilalang si Kenyo Tumilas, 40, nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan  ang dalawa dakong alas-8:50 ng gabi nitong Martes.

Habang nasa kainitan ng pagtatalo sina Lampanes at Valdez ay biglang kinuha ng suspek ang kanyang pana­bas at pinagtataga ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan kabilang  na ang kanyang ulo.

Pagkatapos nito ay pinagtataga rin si Tumilas subalit nagawa nitong makatakbo at humingi ng tulong sa mga kapitbahay na nagdala sa kanya sa pagamutan.

Agad naman na rumes­ponde ang mga kagawad ng pulisya at nadakip ang suspek.

 

Show comments