19 arestado sa drug ops

CAVITE  , Philippines  —  Arestado ang 19 na drug suspects kasunod ng pagkakasamsam ng nasa higit P100,000 halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa Bacoor at Gen. Trias City kamakalawa.

Sa Bacoor, isang sinasabing drug den ang sinalakay sa Brgy. Queensrow kung saan nadakip sina Danwin Diezmo, 48; Jerome Velasquez, 35; Edgardo Espinosa, 60; Romeo Aboliso, 41; Harrist Villasis, 23; Owen Edrick Llamas, 21; Mariano Mariano, 36; Edward Banawan, 20; Ramil Cuizon, 44; Jenray Felizardo, 24; Louis Mark Repre, 34; Rolie Francisco, 41; at Mervin Kim Tolentino, 37. Narekober sa loob ng drug den ang 3.86 gramong shabu na P26,248 ang halaga, isang ATM card, at mga drug paraphernalia.

Nadakma rin ng Gen. Trias Police sa drug operation dakong alas-5:40 ng hapon ang mga suspek na sina Hamod Mohammad, Datu Duran Mokamad, Ariel Sidamon, Sonny Poblete, at magkapatid na sina Eldren Gaytan, at  Andrew Paul Gaytan,  mga kilabot umanong ‘tulak’ sa Sunny Brooke 1 Brgy. San Francisco. Nakuha sa mga suspek ang 5.86 gramong shabu na aabot sa mahigit na P100,000 ang halaga.

Show comments