Korean na HVT, 3 pa huli sa droga

ANGELES CITY , Philippines  —  Arestado ang isang 37-anyos na Korean national na umano’y high value target (HVT) at tatlong iba pa sa isinagawang drug buy-bust operation ng Angeles City Police kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Lee Je Gil “Alyas Jake Lee”, ang Koreano na pansamantalang naninirahan sa  Room 218 ng Gogo Hotel sa Brgy. Malabanias; Arvin DeLuna, 39, ng Brgy. Sto. Domingo; Mark Balingit, 29, residente sa Barangay Pampang at Wilson Miclat ng Brgy. Cut-Cut; pawang ng nasabing lungsod.

Nasamsam sa mga suspek ang 10 plastic sachet ng shabu na may halagang P150,000.00 at perang ginamit bilang marked Money. Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II ng R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.

Show comments