Ex-mayor, security kakasuhan sa pambubugbog

Laking gulat ni Galang nang pagbukas ng kanyang pinto ay agad siyang kinuwelyuhan ni Ronquillo at hinila palabas ng bahay.

MANILA, Philippines — Nahaharap sa kasong serious physical injuries ang isang dating alkalde at security nito dahil sa umano’y pambubugbog sa supporter ni Sto. Tomas, Pampanga Mayor John Sambo noong Abril 27. Batay sa report ng Sto. Tomas Municipal Police Station, dumating umano si dating Mayor Romeo “Ninong” Ronquillo kasama ang security aide na si Jojit Pineda, 29, dakong alas-10:30 ng umaga sa bahay ng biktimang si Reynaldo Galang, 54, tagasuporta ni incumbent Sto. Tomas, Pampanga Mayor Sambo.

Laking gulat ni  Galang nang pagbukas ng kanyang pinto ay agad siyang kinuwelyuhan ni Ronquillo at hinila palabas ng bahay. Dito na umano siya pinagbubugbog nina Ronquillo at Pineda. Bagama’t lugmok na, pinagbantaan pa ni Ronquillo ang biktima  na papatayin. Dinala naman ang biktima sa Jose Lingad Hospital upang gamutin.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na may personal na alitan sina Ronquillo at Galang.

Show comments