3 ‘pusher’ bulagta sa buy-bust

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija  , Philippines  —  Tatlong pinaghihinalaang mga tulak ng droga ang iniulat na nasawi makaraan umanong manlaban sa pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Calaocan ng lungsod na ito noong Biyernes.

Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police, napatay sa operasyon ang mga suspek na si Arjay Gallegos ng nasabing lungsod, at dalawa nitong kasabwat na nakilala lamang sa alyas “Romnick” at alyas “Indon”, mga residente umano ng San Jose City.

Sa ulat, alas-11:20 ng gabi noong Biyernes nang magsagawa ng buy-bust operation ang drug enforcement unit ng San Jose City Police na may koordinasyon sa PDEA sa nasabing barangay. Naghinala umano ang tatlo na mga pulis ang kanilang katransaksyon kaya bumunot ng baril at ipinutok sa police poseur buyer na nagmintis, sabay harurot sa sinasakyan nilang motorsiklo at dito nagkaroon nang habulan.

Saglit lang umano nakalayo ang mga suspek makaraang gumanti ng putok ang police back-up at nasapol sila ng bala na kanilang ikinamatay.

Show comments