^

Probinsiya

Japanese nagulungan ng bus, pisak

Christina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Napisak ang ulo ng isang Japanese national matapos na magulungan ng isang pampasaherong bus matapos nitong sumemplang sa kanyang minamanehong motor habang bumabagtas sa kahabaan ng Tagaytay-Sta. Rosa Road, Brgy Tartaria, Silang, Cavite.

Nakilala ng pulisya ang biktima na si Hosei Tomita Kakinoki, 60-anyos, tubong Osaka, Japan, Exe­cutive Secretary at residente ng 150 Shakes­pheare St. Sta. Rosa Estates 1, Brgy. Don Jose, Sta. Rosa City, Laguna. 

Hawak naman ng pulis­ya ang suspek na nakila­lang si Peter Lariba, 55-an­yos, driver, residente ng Brgy Pob­lacion 6, Amadeo, Cavite. 

Sa ulat ng pulisya,  ganap na alas-12:30 ng tanghali nang maganap ang insidente,  sakay ang biktima ng kanyang Yamaha Mio Soul na may  commemorative plate na  PNP-SAF  at bumabagtas sa nasabing lugar nang bigla itong malubak at sumalpok sa mga nakasakong basura sa ginagawang kalsada dahilan upang sumemplang at sumadsad sa kalsada. Paparating naman ang Kersteen bus (NAT-8053) na minamaneho ng suspek at tuluyang nagulungan ang ulo ng biktima. 

Mistulang napisak na kamatis ang nangyari sa ulo ng biktima na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

CAVITE ROAD ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with