8 ‘tulak’ timbog sa buy-bust

CAVITE, Philippines — Nasakote ang walong katao na pawang sinasabing mga tulak sa kanilang lugar sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Sitio Sampalucan, Brgy. Pasong Camachille 2, General Trias City kamakalawa. Kinilala ni Police Supt Paul Bometivo, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang mga suspek na sina Victor Revano, nasa drug watchlist ng pulisya; Orlando Abac, Christopher Lagang, Jose Aspillaga, Christine Jaira,  nasa drug watch list; Stephen Percy,  Ryan Lim at Najee Macadatu, pawang ng nasabing lugar. Sa report, alas 4:30 ng hapon nang simulan ng General Trias Police kasama ang PDEA ang buy-bust operation laban sa mga suspek. Dalawang pulis ang nagpanggap na buyer at nakipag-deal para sa bibilhing shabu at ng magpositibo ito ay dinakma ang mga suspek na magkakasosyo sa pagtutulak ng shabu sa nasabing lugar. Narekober sa operasyon ang may 14 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia. 

Show comments