2 ‘most wanted’ timbog sa raid

Ayon kay P/Supt. Romulo Albacea, unang naaresto sa purok Sampaguita, Brgy. Cotta dakong alas-11:00 ng tanghali ang No.2 most wanted person sa kasong Murder si Christopher Isaac, 23, binata.

LUCENA CITY  , Philippines  —  Nagwakas ang mahigit isang taong pagtatago sa batas ng dalawang “most wanted persons” sa lungsod na ito makaraang maaresto ng composite team ng Lucena Police at Quezon CIDG/CIDT sa magkahiwalay na barangay dito kamakalawa. Ayon kay P/Supt. Romulo Albacea, unang naaresto sa purok Sampaguita, Brgy. Cotta dakong alas-11:00 ng tanghali ang No.2 most wanted person sa kasong Murder si Christopher Isaac, 23, binata. 

Base sa rekord ng korte, si Isaac ang pangunahing suspek sa pamamaril sa isang kapitbahay noong Abril 10, 2017. Hindi rin nakapalag ang No.9 most wanted person dito na si Alex Anier, 43, makaraang masakote dakong alas-6:40 ng gabi sa Purok 1, Barangay Bocohan. Nahaharap si Anier sa kasong rape na isinampa ng isang menor-de- edad na babae noong nakaraang taon.

Show comments