Konsehal, kagawad utas sa drug raid

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Nasawi ang isang municipal councilor at isang barangay kagawad na nasa narco-list matapos ang isinagawang drug raid sa Brgy. Poblacion, Kiamba, Sarangani kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Kiamba Municipal Councilor Ronelo Mamaclay, at Brgy. Poblacion Kagawad Frederick “Jojo” Orubia, kapwa mga residente sa nasabing lugar.

Napag-alamang kasama ang pangalan ng dalawang opisyal sa naunang ipinalabas na narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Isinagawa umano ang magkahiwalay na search operation alas-3:10 ng madaling araw sa pamamahay ng dalawang lokal na opisyal, kung saan sinasabing nanlaban umano sila kaya’t nabaril ng mga otoridad.

Nakarekober ang pulisya ng mga ebidensya sa bahay nina Mamaclay at Orubia.

Show comments