No. 2 ‘most wanted’ sa Calabarzon nadakip

LUCENA CITY  , Philippines  —  Nagwakas ang may 10 taong pagtatago sa batas ng itinuturing na pangalawa sa Most Wanted Person (MWP) sa Calabarzon makaraang maaresto sa kanyang hideout sa Purok Masagana 2, Brgy. Talao-talao, ng lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt.Romulo Albacea, chief of police dito ang nadakip na si Delfin Cesa, 60, may asawa, tubong Tanza, Cavite. Hindi na siya nakapalag nang palibutan ng mga operatiba ng Quezon, Lucena, at Tanza Police at nakum­piskahan pa siya ng isang armscor caliber .45 na may isang magazine at pitong bala.

Si Cesa ay may nakabinbing kasong murder at frustrated homicide sa Cavite at pangunahing akusado sa pagpatay kay SPO2 Amelita Habana ng Tanza Police noong 2008.  Matapos ang krimen, nagtago ang suspek sa Brgy. Talao-talao at namuhay bilang isang mangingisda.

Show comments