Mag-asawang NPA lider, sumuko
NORTH COTABATO , Philippines — Isang mag-asawang miyembro na lider ng New People’s Army ang sumuko sa Armed Forces of the Philippines Infantry Battalion sa Barangay Felis, Malita, Davao Occidental, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Lt. Col. Marion Angcao, commander ng 73rd Infantry Batallion, nakilala ang mga sumuko na sina Bonio Dawa alyas “Rick” na team leader ng Unit Militia, at Ligaya Dawa alyas “Aria”, mass suporter at team leader ng Underground Mass Organization ng Guerilla Front 71.
Ang mag-asawang Dawa ay mga residente ng Sitio Kiopok, Barangay Little Baguio sa Malita. Isinuko rin nila ang isang M16 rifle. Sinabi ni Angcao na ang mga ito ay isinailalim na sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan kung saan bibigyan ng financial assistance. Rhoderick Beñez
- Latest