Barangay kagawad, nilikida
NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 45-anyos na barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa Sitio Velcar, Barangay Makabaklay sa Gapan City, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi. Limang tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Kagawad Fernando Vendivil ng Sitio Maruhat sa nasabing lungsod. Bandang alas-7 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima na may ilang metro ang layo mula sa kanyang motorsiklo. Ilang residente ang nakarinig na sumakay ang mga suspek sa traysikel na patungong Barangay Maburak ng nasabing lungsod. Narekober sa bulsa ng biktima ang sinasabing isang plastic sachet na shabu at P13, 690 cash.
- Latest