Ex-Army intel sakote sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Nasakote sa pagtutulak ng droga ang isang dating tauhan ng Military Intelligence Group ng Philippine Army (PA) na naging drug personality matapos siyang matimbog sa isang buy bust operation sa Brgy. 3, Laoag City, Ilocos Norte kahapon ng tanghali.?Kinilala ni Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police ang nadakip na si Paul Francis Antonio na kabilang sa drugs watch list sa kanilang bayan sa Piddig.?Sinabi ni Corpuz na agad dinakma ng mga pulis si Antonio matapos bentahan ng isang plastic sachet ng shabu ang isang police poseur-buyer sa halagang P500.? Pito pang sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P13,000 ang nasamsam kay Antonio habang siya ay iniimbestigahan. ?Si Antonio ay tumiwalag sa PA noong 2014 at nakisawsaw na rin sa Oplan Tokhang sa Piddig noong nakaraang taon.

Show comments