Sinabon ng ina, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Nagpasyang magbigti ang 19-anyos na fastfood service crew matapos itong sermunan ng kanyang ina sa mga nagawa nitong kapalpakan sa buhay sa Barangay 6, bayan ng San Juan Bautista San Nicolas, Ilocos Norte kamakalawa. ?Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP ang biktima na si Junniefer Doronio, kawani ng Pizza food chain sa nasabing bayan. ?Sa pahayag ng pinsang si Lovely Guieb, nadatnan niyang sinasabon si Doronio ng ina sa cellphone kaugnay sa hindi nito pagsipot sa trabaho at iba’t-ibang pagkukulang sa buhay.? Ayon kay Guiyab, lubos na ipinagdamdam ng pinsan ang sermon ng ina kaya ito kusang nagpasalubong kay kamatayan.

Nadiskubre na lamang nilang nakabitin na sa kisame ang biktima dakong alas-5 ng umaga.

Show comments