Negosyante pinabulagta

MANILA, Philippines – Napaslang ang 35-anyos na negosyante matapos itong barilin ng hindi kilalang gunman sa Barangay Sto. Niño, San Pablo City, Laguna noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Rodelan Redondo ng Barangay San Lucas sa nasabing lungsod. Sa ulat ni P/Senior Supt. Joel Pernito na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa bisinidad ng Open Door Subdivision bandang alas-7:30 ng gabi. Ayon sa imbestigasyon, nakikipag-inuman ang biktima  sa dalawa nitong tauhan sa bahay ni Arnel dela Peña nang biglang lapitan at pagbabarilin ng suspek. Nagawa pang maisugod sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna (PPL) Hospital ang biktima subalit idineklarang patay.

 

Show comments