Coed tinangkang gahasain, pinugutan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalunus-lunos ang kamatayang sinapit ng 19-anyos na graduating college student na pinugutan matapos pagtangkaang gahasain ng hindi kilalang lalaki na sinasabing adik sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sta. Barbara sa bayan ng Iguig, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Avelino Canceran, hepe ng Iguig PNP ang napatay na si Donna Pascual, estudyante ng Cagayan State University sa nabanggit na lungsod. Pinaniniwalaang nakilala ng biktima ang nagtangka sa kanyang pagkababae kaya tinagpas ang leeg nito saka tumakas. Walang nawala sa mga gamit ng biktima na naiwang mag-isa sa bahay dahil lumuwas ng Maynila ang kanyang mga magulang.

Show comments